Ngayong gabi maari kong isulat Ang pinakamalungkot na taludtod
Ngayong Gabi Maari Kong Isulat ang Pinakamalungkot na Taludtod
Pablo Nedura
(Salin ni Bong Eliab mula sa "Tonight I can write the saddest lines")
Ngayong gabi maari kong isulat
Ang pinakamalungkot na taludtod.
Isulat, halimbawa, "Winasak ang gabi
At nanginginig ang mga bughaw na tala sa kalayuan."
Sa gabing umiikot ang hangin sa himpapawid, kumakanta.
Ngayong gabi maari kong isulat
Ang pinakamalungkot na taludtod.
Inibig ko siya, at minsan inibig niya rin ako.
Habang gabi tulad ngayon niyakap ko siya
Paulit-ulit na hinagkan sa ilalim ng langit na walang hanggan.
Minahal niya ako minsan, at minahal ko rin siya.
Paanong `di maaring mahalin ang kanyang dakila't mapayapang mata.
Ngayong gabi maari kong isulat
Ang pinakamalungkot na taludtod.
Isip-isipin wala na siya sa akin.
Ramdam na nawala ko siya.
Dinggin ang kalawakan ng gabi,
Nang nawala siya mas lumawak.
Nahuhulog ang mga berso sa kalooban
Parang hamog sa parang.
Ano ang halaga ng aking pag-ibig
Na di kaya siyang panatilihin.
Winasak ang gabi
At wala siya sa aking piling.
Ito lahat. Mula sa kalayuan merong kumakanta.
Mula sa kalayuan.
Mabigat ang kalooban
Nawalan.
Aking paningin naghahanap sa kanya
Tila tumutungo sa kanya.
Aking puso naghahagilap sa kanya
At wala siya sa piling ko.
(abangan .....)
0 Comments:
Post a Comment
<< Home